Paolo

Paolo wala raw sama ng loob sa GMA kahit nawalan ng noontime show

Eugene Asis Mar 16, 2024
207 Views

Paolo2SA launching ng GMA Entertainment Group’s “Basta’t Sama-Sama… Best Time Ever” campaign noong Friday, isa si Paolo Contis sa nagpasaya ng naturang event.

Humarap siya kasama ng ilan sa cast members ng ‘Bubble Gang’ at ng ‘Running man’, at siyempre, ang host ng ‘Amazing Earth’ at ‘Family Feud’ na si Dingdong Dantes.

Ayon sa BBL cast na sina Betong Sumaya at Chariz Solomon, isa si Paolo sa mga nagsa-suggest ng mga bagong jokes sa kanilang programa.

Biro ni Paolo: “Nautusan po sila para pabanguhin ang pangalan ko.”

“Totoo naman‘yun (na nagko-contribute si Paolo ng jokes),” susog ni Chariz.

“I think, tulad ng sinabi ni Chariz tungkol sa pag-adopt natin sa bago,” sabi ni Paolo. “May mga jokes noong araw na hindi na puwedeng gamitin ngayon. Especially nung maging Sunday slot kami.

Mas naging bata ang audience, family oriented, tinanggal ang bastos. Buti na lang hindi nila ako tinanggal. Kasi nag-adopt ako. Mukhang pagkatapos ng interview na ito, last day ko na naman.”

Matatandaang kasama si Paolo sa nawalang noontime show, ang “Tahanang Pinakamasaya” na pinatutungkulan niya ng birong baka tanggalin siya.

Sa mas seryosong usapan, tinanong si Paolo na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-40 kaarawan, kung ano ang birthday wish niya.

“Ako, wala po akong wish. Nais ko lang pong magpasalamat sa suporta ng GMA-7 sa akin. Again, I wanna thank GMA for always supporting me, for always supporting the show,” aniya.

“May kumalat po na may tampo ako sa GMA dahil nga sa pagkawala ng ‘Tahanang Pinakamasaya.’ Hindi po ‘yun totoo. Pero pagbigyan na po natin ‘yung mga nagkakalat no’n. Content po nila ‘yon, para po sa kanila ‘yon,” paliwanag pa ng actor-comedian na ang tinutukoy ay mga vlogger na karamihan ay fake content ang inilalabas para lamang kumita.

Aniya, malaki ang utang na loob niya sa GMA. “It’s not true. I love GMA, and I’m very thankful to GMA. They’ve been supporting me during the time na kahit hindi ako kasupo-suporta. So walang dahilan para magtampo ako sa GMA,” pagtatapos ni Paolo.