Calendar

Metro
Parak nilansag drug ring sa Paranaque
Edd Reyes
Mar 31, 2025
72
Views
NALANSAG ng mga pulis ang grupong pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga nang maaresto ang lider at limang miyembro ng grupo sa Paranaque City noong Sabado.
Dinampot ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) District Director P/BGen. Manuel Abrugena sina alyas Anne, Maite, 45; Donna, 31; Peter, 28; Darwin, 47; at Jeffrey, 33, na pawang residente ng naturang lungsod.
Nahuli sila sa buy-bust laban kay Anne bandang alas-5:30 ng hapon ng mga tauhan ng Paranaque Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na pinamunuan ni P/Capt. Luis Gazzingan, Jr. sa Brgy. Don Bosco.
Nasamsam ng pulisya sa grupo ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000, dalawang mobile phones at iba’t-ibang drug paraphernalia.
Pasahero may pekeng baril sa NAIA, na-hold
May 13, 2025
Kelot todas sa kadyot
May 13, 2025
Panalo sa halalan sa Pasay, Munti, LP naiproklama na
May 13, 2025
May dalang paltik, inaresto
May 12, 2025