BBM2 Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inaugurasyon ng Panguil Bay Bridge Project Biyernes. PPA POOL / MARIANNE BERMUDEZ

PBBM binuksan P8B tulay sa Mindanao

Chona Yu Sep 27, 2024
93 Views

BBM3BINUKSAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pinakamahabang tulay sa Mindanao.

Nagkakahalaga ang Panguil Bay Bridge Project (PBBP) ng P8.026 bilyon at may haba na 3.17 kilometro.

Proyekto ito ng Department of Public Works and Highways at ng Korea.

Kasama ni Pangulong Marcos sa inagurasyon sina DPWH Secretary Manuel Bonoan at Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa.

Ito ang pinakamahabang tulay sa Mindanao na tumatawid sa dagat kung saan naisakatuparan sa ilalim ng isang loan agreement na pinirmahan noong 2016 sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at Korean Export-Import Bank-Economic Development Cooperation Fund (KEDCF) sa ilalim ng Loan Agreement No. PHL-18.

Gumamit ang proyekto ng makabagong teknolohiya mula sa Korea, kabilang ang reverse circulation drilling at thick permanent steel casings. Mayroon itong 54 board piles para sa 32 piers, na tinitiyak ang matatag na pundasyon para sa 2-lane, 2-way traffic na may carriageway width na 13 meters.

Dahil sa nasabing tulay inaasahan na bababa na ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Misamis Occidental at Lanao del Norte mula sa dalawa hanggang dalawa’t kalahating oras na biyahe sa Roro vessels.

Dumalo rin sa seremonya sina First Lady Liza Marcos,. House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, KEXIM Bank Director General Cho In-Kyo, Lanao del Norte Governor Imelda Q. Dimaporo, Misamis Occidental Governor Henry S. Oaminal, at iba pang mga opisyal.