Aprub Source: PCO

PBBM inabrubahan paglikha ng 3 dagdag na Shari’a judicial districts

Chona Yu Aug 15, 2024
69 Views

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 12018 na lumilikha sa dagdag na tatlong Shari’a Judicial Districts at 12 circuit courts sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Inaamyendahan ng bagong batas ang Articles 138, 147, at 150 ng Presidential Decree No. 1083.

Mula sa dating 51 na Shari’a circuit courts, magiging 63 na ito ngayon. Nabatid na ang 12 bagong Shari’a circuit courts ay tutugon sa bagong likha na Shari’a Judicial Districts.

Nauna nang naitatag ang limang Shari’a judicial districts. Una ay sa Sulu; pangalawa sa Tawi-Tawi, pangatlo ang Basilan na sakop ang Zamboanga del Norte and Zamboanga del Sur and Dipolog, Pagadian and Zamboanga Cities.

Nasa pang-apat sa Lanao del Norte, Lanao del Sur at Iligan at Marawi Cities at panglima sa Maguindanao, North Cotabato, Sultan Kudarat at Cotabato City.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang bagong batas noong Agosto 12, 2024 at magiging epektibo 15 araw matapos mailathala sa Official Gazette at mga pahayagan na mayroong general circulation.