BBM

PBBM inaprubahan P700M pondo para sa child dev’t center

Chona Yu Mar 5, 2025
24 Views

MAY pondo na para sa pagtatayo ng mga child development center (CDC) sa mga munisipalidad na kabilang sa 4th at 5th class na hindi kayang magtayo ng mga pasilidad para sa pangunahing edukasyon.

Ito ay matapps aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglalabas ng P700 mikyong pondo para sa CDC.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang hakbang na ito ay base sa kahilingan ng mga tagapagtayugod ng early childhood development para mabigyan ng access ng early childhood development ang mga barangay na mababa ang kita.

“Gawin na natin ito. I am thinking the daycare centers can also be CDCs. Ganoon na rin ‘yun eh. You have the same kind of training for the people. The kids are there,” pahayag ni Marcos sa ginanap na sectoral meeting sa Malakanyang ng The Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2 at iba pang ahensiya.

Nangako naman ang Department of Budget and Management (DBM) na popondohan ang pagtatayo ng CDCs ngayong taon

Sinabi naman ni Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo Angara na ang P700 milyon na ipapamahagi sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF), ay gagamitin sa pagpapaunlad ng CDCs para sa bawat munisipalidad.

Ayon kay Angara, ang pagtatayo ng CDCs ay isang hakbang na hindi gaanong magastos at isang mahalagang pamumuhunan para sa sektor ng edukasyon.