BBM

PBBM inaprubahan pag-aayos ng 2 tulay vs lindol sa Metro Manila

Chona Yu Aug 29, 2024
138 Views

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-aayos sa dalawang malaking tulay sa Metro Manila para maging handa sa malakas na lindol.

Ito ay ang Lambingan Bridge sa Manila at Guadalupe Bridge sa Makati City.

Ayon kay National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan, nais ni Pangulong Marcos na ligtas ang imprastraktura sa lindol.

Pinatitiyak ni Pangulong Marcos na kakayanin ng dalawang tulay ang magnitude 8 na lindol para masiguro ang kaligtasan ng libu-libong mga motoristang dumadaan araw-araw.

Kaugnay nito, sinabi ng Pangulong Marcos na mahigpit din ang pakikipag-ugnayan nila sa mga eksperto para mag-develop ng isang traffic management plan para maiwasan ang matinding epekto sa mga pasahero at motorista ng gagawing rehabilitasyon sa dalawang tulay.