BBM1

PBBM ipinag-utos pagpaparami ng Kadiwa ng Pangulo

172 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na paramihin ang mga Kadiwa ng Pangulo sa bansa upang makabili ang publiko ng murang produkto.

“Kaya’t asahan ninyo kahit sa ngayon ay nagsisimula pa lang tayo ay ini-instruction-an ko na ang Department of Agriculture, ang ating DTI – Department of Trade and Industry, pati na ang DILG para talaga hindi lamang iilan, kung hindi paramihin natin maramdaman ang Kadiwa ng Pangulo sa buong Pilipinas,” sabi ng Pangulo sa pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo sa Limay, Bataan.

“Pararamihin natin ito para kahit sa malalayo, sa mga lupalop ay makakaabot ang Kadiwa dahil lahat naman tayo dito sa Pilipinas ay nangangailangan ng tulong dito,” ani Pangulong Marcos.

Sasabayan umano ng pagpaparami ng Kadiwa outlet ng pagpapataas ng produksyon sa sektor ng agrikultura upang mabawasan ang pangangailangan na mag-angkat ng pagkain at hindi tumaas ang presyo nito.