PBBM kumpiyansang gaganda internet service sa bansa

296 Views

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand R. Marcos sa kakayanan ng bansa na mapaganda ang serbisyo ng internet.

Sa kanyang talumpati sa National Information and Communications Technology Summit 2022 na ginawa sa Manila Hotel, sinabi ng Pangulo na bagamat sa kasalukuyan ay nahuhuli ang bansa sa digitalization kaya umano nitong makahabol dahil sa kaalaman at kakayanan na meron ito.

“All that is left to do is to have the will and the resolve to achieve it,” sabi ng Pangulo. “So I reiterate my call to our partners: Let us forge ahead, build a better, brighter, more progressive future for the ICT sector, for the bureaucracy, for the entire Philippines.”

Nanawagan din si Marcos sa mga miyembro ng Kongreso na ipasa ang panukalang E-Governance at E-Government na makatutulong ng malaki sa hinahabol na digitalization.

Upang marating ng digital Philippines, sinabi ng Pangulo na dapat palakasin ang digital infrastructure, pagandahin ang regulatory framework para sa innovation, palakasin ang cybersecurity at linangin ang digital workforce ng bansa.

“So let’s work together to optimize the opportunities provided by ICT for nation-building,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang Pilipinas ay ika-89 sa 193 bansa sa E-Government Survey ng United Nations.