BBM2

PBBM: Magpapahinga sa Holy Week break

190 Views

GAYA ng kanyang ginawa sa mga nagdaang taon, plano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpahinga sa Holy Week break.

“Ako simple lang. I’ll do what I do every year…. I go into retreat for a few days, and then I’ll spend Easter with my family,” sagot ni Pangulong Marcos sa tanong kung ano ang plano nitong gawin.

Sinabi ng Pangulo na gumawa ng hakbang ang iba’t ibang ahensya at pinaghandaan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa iba’t ibang terminal.

“We have to make everybody make sure that everybody’s comfortable that they can get to where they want as quickly as possible,” ani Pangulong Marcos.

Nauna ng idineklara ng Malacañang na half-day ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Abril 5. Waal namang pasok ng Abril 6 at 7.