Nograles

PBBM pananatili si Nograles sa CSC

169 Views

NABYPASS man ng Commission on Appointment (CA), muling itinalaga ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Karlo Nograles bilang chairman ng Civil Service Commission (CSC).

Si Nograles ay isa sa mga ad-interim appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi naaprubahan ng CA ang pagtatalaga sa kanya sa CSC dahil sa kawalan ng quorum kaya nabalewala ang kanyang appointment.

Muli naman siyang kinuha ni Marcos upang pamunuan ang CSC.

Si Nograles ay isang abugado at walong taon na naging kinatawan ng unang distrito ng Davao City bago kinuha ni Pangulong Duterte sa Executive department.

Kabilang sa mga posisyon na hinawakan ni Nograles ang Cabinet Secretary, spokesperson ng IATF-IED, acting Presidential spokesperson, at Chairman ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.