Calendar
PBBM pinasalamatan ni Magsino sa suporta ng pamahalaan para sa OFW na namatay sa Kuwait
BILANG Kinatawan ng OFW Party List sa Kamara de Representantes. Pinasalamatan ni Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. bunsod ng patuloy na pagtulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers (DMW) para sa Overseas Filipino Worker (OFW) na namatay sa Kuwait na si Jenny Sanchez Alvarado.
Sabi ni Magsino na ang ipinakitang malasakit at pagkalinga ng administrasyong Marcos, Jr. sa sitwasyong kinasapitan ni Alvarado sa Kuwait ay nagpapakita lamang kung gaano pinahahalagahan ng gobyerno ang kapakanan ng mga OFWs.
Sinang-ayunan din ni Magsino ang naging pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) patungkol sa pagsasagawa ng isang masusing imbestigasyon upang matukoy ang posibleng pananagutan ng employer o service provider ni Alvarado.
Ipinaliwanag ng kongresista na sa mga ganitong sitwasyon inaasahan ng mga OFWs at kanilang pamilya ang suporta mula sa pamahalaan kaya isang napakalaking tulong aniya ang ipinakitang pagsisikap ni Pangulong Marcos, Jr. para matulungan ang mga naulila ni Jenny Sanchez Alvarado at papanagutin ang service provider nito.
Kaugnay nito, kinakatigan din ni Magsino ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga OFWs sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ng dalawang OFWs sa nasabing bansa na sina Alvarado at isa pang Filipina na si Dafnie Nacalaban.
Bingeing diin ni Magsino na napakahirap ipagsapalaran ang buhay mga napakaraming OFWs sa isang bansang walang katiyakan kung magiging ligtas ba ang mga Pilipinong magta-trabaho dito katula sa Kuwait na ilang OFWs narin ang nasawi nasabing sa naturang bansa.
Ayon pa sa mambabatas, si Nacalaban ay iniulat na nawawala ng kanyang amo noong Octubre nang nakaraang taon (2024). Habang si Alvarado naman ay iniulat na namatay dahil sa paglanghap nito ng usok mula sa uling sa pinagta-trabahuhan nitong kompanya.
Sabi pa nito na napakahalagang isa-alang alang aniya ng DMW ang pagpapataw ng mas mahigpit patakaran at requirements kaugnay sa pagpapadala ng mga OFWs sa mga Arab countries na gaya ng Kuwait bunsod ng peligrong kinakaharap ng mga Filipino Migrant workers.
To God be the Glory