Garin1

PBBM pinuri dahil sa malasakit sa HCWs

Mar Rodriguez Feb 8, 2023
243 Views

PINAPURIHAN ng isang Visayan congresswoman si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. kaugnay sa ipinapakita nitong malasakit para sa kapakanan at interes ng mga “healthcare workers” na patuloy na nakakatanggap ng suporta mula sa pamahalaan.

Ang ibinigay na papuri ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st Dist. Cong. Janette L. Garin ay kaugnay sa naging pahayag ng Pangulong Marcos, Jr. na patuloy na makakatanggap ng allowance ang mga healthcare workers sa kanila ng expiration ng idineklarang “state of calamity” noong taong 2020 bunsod ng COVID-19 pandemic.

Binigyang diin ni Garin, dating Kalihim ng Department of Health (DOH), na mabigat na trabaho at responsibilidad ang kinakaharap ng mga HCWs kaya nararapat lamang na mabigyan sila ng kaukulang benepisyo tulad ng allowance kahit na walang pandemiya.

“We don’t need a state of calamity to be able to give HCWs allowances. We recognize the immense sacrifice and selflessness that our health workers continue to pour out throughout these trying times,” ayon kay Garin.

Sinabi pa ni Garin na itinutulak din ng DOH na magkaroon ng extension ng COVID-19 benefits at allowance para sa mga HCWs hanggang nananatili ang state of national public health emergency.