DOH

1,012 COVID cases naitala ng DOH

132 Views

NADAGDAGAN ng 1,012 ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 sa bansa mula Enero 30 hanggang Pebrero 5.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay mas mababa ng 16 porsyento kumpara sa naitala mula Enero 23 hanggang 29.

Sinabi ng DOH na noong Pebrero 5 ay 388 na nahawa ng COVID ang malubha o nasa kritikal na kalagayan.

Nadagdagan naman ng 85 ang bilang ng mga pumanaw sanhi ng COVID-19. Sa bilang na ito 11 ang nasawi mula Enero 23 hanggang Pebrero 5.