BBM2

PBBM tiniyak pagsuporta sa energy sector investors

227 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawa ng mga hakbang ang kanyang administrasyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamumuhunan sa sektor ng enerhiya.

“We will improve the policy and regulatory framework for the renewable energy (RE) industry, especially for the ESS technology, to encourage the further development of our fledgling renewables industry,” ani Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ng Department of Energy (DOE) ang polisiya sa Energy Storage System upang mas mapaganda ito.

“We are also aiming to increase the share of renewables in our total generation mix and we encourage those investments that will add to the renewable supply in our country,” sabi ng Pangulo.

Sa tulong ng ESS ay maitatago umano ang sobrang kuryente na maaaring gamitin kung kakailanganin.

“We will streamline and harmonize the regulatory framework, at the national and local levels, to ensure ease of doing business, to take down unnecessary regulatory burdens, and this is all part of our agenda to improve bureaucratic efficiency and sound fiscal management for a much better, more streamlined, more efficient system,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

Ayon pa sa Pangulo maaaring bigyan ng mga insentibo ang mga mamumuhunan upang maengayo ang mga ito.

“This technology is carving a distinct path towards a more energy-secure and sustainable future for the country. It is clean, it is zero-emission, zero-water extraction, no noise pollution,” sabi pa nito.