Calendar
PBBM todo effort sa paghihikayat ng mga negosyante sa WEF na mag-invest sa PH –Speaker Romualdez
BINIGYANG DIIN ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na todo effort si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland dahil sa pagsisikap nitong makahikayat ng napakaraming “foreign investors” upang maglagak ng puhunan at magtayo ng negosyo sa Pilipinas.
Sinabi ni Romualdez na nais din ni Pangulo na lalo pang maisulong ang tinatawag na “momentum” ng economic growth” ng Pilipinas na inaasahang magpapa-angat sa kabuhayan ng mga Pilipino.
Kaya ganun na lamang aniya ang pagpupursigi nito na makahikayat ng mga negosyante.
Ayon sa House Speaker, makikita kay Pangulong Marcos, Jr. sa ginanap sa WEF ang pagsisikap nitong makahikayat ng mga “foreign businessmen” para magtayo ng negosyo sa Pilipinas. Kung saan, sinasamantala nito ang lahat ng oportunidad para sa kapakanan ng bansa.
Ipinaliwanag ni Romualdez na nakikita mismo ni Borge Brende, ang Presidente ng WEF, ang pagsisikap ng Pangulong Marcos, Jr. na mailatag ang naging achievements ng pamahalaan kabilang na ang landas na tatahakin ng administrasyon nito sa larangan ng “foreign investments”.
“No less than Borge Brende, the President of the WEF, recognized the sustained effort President Marcos displayed in this forum to showcase the Philippines’ remarkable story and outline the path his administration is taking to welcome more investments into the country,” sabi ni Speaker Romualdez.
“Mr. President Marcos, it’s great to have you here. I know you worked extremely hard today. I think I have seen you already three or four times and I know we have had so many sessions,” sabi naman ni Brende, ang Presidente ng WEF.