Julian

PBBM tutok sa epekto ni ‘Julian’ sa N. Luzon

Chona Yu Sep 30, 2024
105 Views

NAKATUTOK si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa epekto ng bagyong Julian habang nananalasa sa northern Luzon.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng 4,663 Certificates of Condonation and Release of Mortgage sa mga agrarian reform beneficiaries sa Paniqui, Tarlac, sinabi nitong nakahanda na ang gobyerno na umalalay sa mga biktima ng bagyo.

“Atin pong patuloy na binabantayan ang Bagyong Julian at handang magbigay ng tulong ang pamahalaan sa ating mga kababayang nangangailangan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Mag-ingat po tayong lahat,” paalala ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) naging duper typhoon na ang bagyo.

Itinaas ang Signal No. 4 sa Batanes at northern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Island, Calayan Island).