Calendar
PCG-SF, Ayala Land isusulong pamumuhunan, pagretiro sa PH

SAN FRANCISCO, CALIFORNIA – Magsasanib-pwersa ang Konsulado Heneral ng Pilipinas sa San Francisco at Ayala Land International Sales upang suportahan ang komunidad ng mga Pilipino sa northern California.
Ito ang kasunduan nina Consul Rowena Pangilinan-Daquipil matapos mag-courtesy call si Danilo M. Sarte Jr., Regional Manager ng Ayala Land International Sales, noong Hunyo 24.
Sentro ng talakayan ang mga potensyal na kolaborasyon sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor.
Kabilang sa mga tinutukoy na programa ang mga inisyatiba para sa financial literacy at mga kampanya ukol sa mga oportunidad sa pamumuhunan at pagreretiro sa Pilipinas.
Binigyang-diin din ni Consul Pangilinan-Daquipil ang kahalagahan ng pakikilahok ng Ayala Land sa mga kaganapan ng Filipino-American community.
Ipinahayag ni Sarte ang pagsisikap ng kanilang kompanya na isulong ang pamumuhunan sa real estate sa Pilipinas habang nasa ibang bansa.

