Diokno1

PH maitatala pinakamataas na economic growth sa ASEAN+3 sa 2022, 2023

294 Views

KUMPIYANSA si Finance Secretary Benjamin Diokno na ang Pilipinas ang makapagtatala ng pinakamataas na economic growth rate sa ASEAN plus three ngayong 2022 at 2023.

“We expect the economy to grow by 6.5 to 7.5 (percent) this year. In fact, this is going to be the highest – the consensus is this will be the highest growth rate among all ASEAN Plus Three countries this year and next year,” sabi ni Diokno sa briefing sa Malacañang.

Kabilang sa ASEAN plus three ang lahat ng mga miyembrong bansa sa Association of Southeast Asian Nations at dagdag ang Japan, South Korea, at China.

Naisumite na rin umano ng DOF ang Medium-term Fiscal Consolidation Framework nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula 2023 hanggang 2028.

Ayon kay Diokno ang inaasahang growth rate ng bansa mula 2023 hanggang 2028 ay 6.5 hanggang 8 porsyento.

Sa pagbaba ng administrasyong Marcos sa 2028, sinabi ni Diokno na inaasahan na bababa ng siyam na porsyento ang poverty rate ng bansa.

Sinabi ni Duterte na nasa 25 porsyento ng poverty rate noong umupo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2016 at naibaba ito sa 1 hanggang 17 porsyento subalit tumama umano ang COVID-19 pandemic.