Martin3

PH nasa tamang direksyon, $14.2B pangakong foreign investment nagkatotoo na—Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Mar 11, 2024
115 Views

NASA tamang direksyon ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. upang maibangon ang bansa mula sa epekto ng pandemya at patunay dito ang pagtupad ng mga foreign investor sa kanilang pangako na mamuhunan sa bansa na umaabot na ang halaga sa $14.2 bilyon mula noong Hulyo 2022.

“The President’s efforts to attract FDIs are yielding results. We are making steady progress, and the House of Representatives fully supports his initiatives,” ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ang pahayag ng House Speaker, na siyang presidente ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), ang pinakamalaking partido sa Kamara ay batay sa datos ng Board of Investments (BoI) ng Department of Trade and Industry (DTI), na pinamumunuan ni Secretary Alfredo Pascual.

“Executing $14.2 billion in FDIs from the projected total of $72.2 billion is significant, and there are many more projects in the pipeline,” saad ni Romualdez. “This demonstrates the government’s commitment and hard work in improving the lives of Filipinos.”

“We aim to gradually enhance the economy to its full potential, so that the rising tide will lift all our boats, so to speak,” dagdag ni Romualdez na tinutukoy ang datos ng DTI na nagsasaad na nasa iba’t ibang yugto ng pagpapatayo ang naturang FDI mula pa Disyembre 2023.

Ayon sa kalihim, ang mga gumugulong ng pamumuhunan ay 20 porsyento ng mga nasungkit na pangakong pamumuhunan ni Pangulong Marcos mula sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa kung saan nito ibinida na bukas na ang bansa para sa negosyo at ang planong pagluluwag sa mga mahigpit nitong polisiya.

Ang $14.2 billion na halaga ng proyekto ay naisakatuparan na kung saan ang ilan ay natapos nang magparehistro sa Investment Promotion Agencies ng DTI at ang iba ay ipinatutupad na.

Ang mga FDI na ito ay nasa iba’t ibang industriya gaya ng manufacturing, IT-BPM (information technology-business process management), renewable energy, infrastructure, transport at logistics, agriculture, at retail.

Ang sektor ng manufacturing ang may pinakamalaking bahagi na may 16 na proyekto o katumbas ng 35%, na sinundan ng IT-BPM na may 10 proyekto (22 pprsyento), at renewable energy na may siyam (20 porsyento).