Dolyar

Philippine peso lalong humina

123 Views

MAS lalo pang humina ang halaga ng Philippine peso kontra sa US dollar.

Nagsara ang palitan ngayong Biyernes, Setyembre 23, sa P58.50:$1.

Mas mababa ito ng isang sentimos sa pagsasarang P58.49:$1 noong Huwebes, September 22.

Ito ang ikaapat na araw na sumadsad ang halaga ng piso at ika-10 beses na naitala ang record low ngayong buwan.

Ngayong 2022, ang piso ay bumaba na ng P7.501 mula sa P50.999:$1 na palitan sa huling araw ng 2021.