Phivolcs

PHIVOLCS nakapagtala ng 667 aftershock sa magnitude 6.4 lindol sa Abra

183 Views

Nakapagtala ng 667 aftershock ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaugnay ng magnitude 6.4 lindol sa Abra noong gabi ng Oktobre 25.

Ang mga aftershock ay naitala hanggang alas-4 ng hapon ng Oktobre 27.

Ilan sa mga aftershock ay naramdaman at nagdulot ng takot sa mga residente. Mayroong mga residente na mas pinili na manatili muna sa mga tent sa takot na gumuho ang kanilang mga bahay kapag muling nagkaroon ng malakas na pagyanig.

Naramdaman ang magnitude 6.4 lindol alas-10:59 ng gabi noong Oktobre 25.

Sa update na inilabas ng PHIVOLCS umabot umano sa Intensity VII ang pinakamalakas na pagyanig na naidulot nito.

Ang epicenter nito ay limang kilometro sa silangan ng bayan ng Lagayan, Abra at may lalim na 16 kilometro.