BBM

Pimentel nanawagan ng pagkakaisa, suporta kay PBBM

22 Views

NANAWAGAN si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ng suporta at pagkakaisa para sa nalalabing tatlong taon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa paniniwalang susi ito sa tagumpay at kaunlaran ng bansa.

Sa ginanap na Kapihan sa Senado forum noong Martes, mariing sinabi ng senador na ang bansa ay para umanong nakasakay sa iisang bapor na ang paglubog nito ay katumbas ng paglubog ng sambayanan.

“Kaya ang panalangin ko ay mag-succeed ang last three years ng Marcos administration.” giit ni Pimentel kung saan ay hiningi niya na dapat lamang umanong bigyan pagkakataun ang pagkakaisang nais mangyari sana ng Pangulo.

Ipinunto ni Pimentel na iisa ang direksyong tatahakin ng bansa, kaya’t dapat magtulungan ang lahat ng Pilipino.

“We will rise together or we will fall together. Iisang bangka lang tayo, iisang sasakyan, iisang eroplano lang tayo,” dagdag niya.

Sa isang hiwalay na pahayag sa Kapihan sa Senado, binigyang-diin ni Pimentel ang kahalagahan ng nalalabing tatlong taun na huling termino na ng Pangulo.

“The final three years of this administration will define what kind of country we want to become. We cannot afford to be divided. We need to succeed together.” paliwanag ni Pimentel na naniniwalang ang pagkakaisa lamang ang susi upang umabante ang bansa.

Hinimok din niya ang bawat mamamayan na tumulong sa pagsulong ng bayan, kahit hindi nasa gobyerno o posisyon. “Kahit private citizen ka, makakatulong ka pa rin sa pag-asenso ng bansa,” ani niya.

Ang panawagan ng senador ay kasabay ng mga kinahaharap na pandaigdigang hamon at tensiyon sa rehiyon, na ayon sa kanya ay lalong nagpapatingkad sa pangangailangan ng pagkakaisa at matatag na pamumuno sa nalalabing bahagi ng termino ni Pangulong Marcos Jr.