Pinaghihinalaang pumatay sa dermatologist nahuli

9 Views

NATIKLO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang binatang pinaghihinalaang nang-holdap at pumatay sa isang dermatologist sa Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, bandang alas-10:00 ng gabi noong Sabado natagpuang tadtad ng saksak at wala ng buhay sa loob ng Honda CRV ang biktima sa Mindanao Ave., Ext., malapit sa Turks Fairview Drive Thru, Brgy. Pasong Putik Proper.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Alexiss MaceJurado, may nakakita sa biktima na nakalugmok sa driver’s seat ng kanyang sasakyan.

Nang suriin ang dash camera ng sasakyan, napag-alaman na bandang alas-9:45 ng gabi noong Abril 18 isang hindi kilalang lalaki ang sumakay sa sasakyan ng biktima sa Neopolitan Business Park.

Sa karagdagang footage, bandang alas-10:24 ng gabi nakitang pinagsasaksak ng lalaki hanggang mamatay ang biktima.

Nadakip ang suspek habang naglalakad sa Neopolitan Business Park sa lungsod at nakitaan ng mga gasgas sa kanang kamay, pisngi at magkabilang tuhod na pinaniniwalaang dahil sa nanlaban ang hinoldap na biktima.

Positibo naman na kinilala ng driver ng biktima ang suspek na siyang sumaksak at pumatay sa 68-anyos na dermatologist.

Inihahanda na ang kasong robbery with homicide laban sa suspek.