Calendar
Pinay volleyball star sikat sa Thailand
SA kanyang unang sabak sa Volleyball Thailand League, walang pasisidlan ang kaligayahan ni Dindin Santiago-Manabat na makapaglaro uli sa labas ng bansa.
Nagsanib ng puwersa sa kanyang kakampi sa Chery Tiggo na si Mylene Paat, tinulungan ni Santiago-Manabat ang Nakhon Ratchasima QminC na makopo ang bronze medal kontra sa Khonkaen Star, 25-18, 25-23, 21-25, 25-14, noong Linggo sa Nimibutr National Stadium sa Bangkok.
“It’s a wrap! What a great experience with @nakhonratchasima_vc. I want to thank the management, coaches and my teammates for giving me the chance to play with your team. We may not be able to get the championship, but you guys made me feel that our team got it. I am overwhelm with love and joy you gave me. This team feels like home. I’ll miss you all,” sabi ni Santiago-Manabat sa kanyang mga social media accounts kahapon.
Bago maglaro sa Thailand, nagpakitang gilas si Santiago-Manabat sa Japan V.League para sa Toray Arrows at Kurobe AquaFairies. Ang kanyang nakakabatang kapatid na si Jaja ay nasa Saitama Ageo Medics.
Napanatili ng Diamond Food ang korona matapos ang 25-18, 25-17, 26-24 tagumpay laban sa Supreme Chonburi E-Tech sa gold medal match.
Naging magandang ang VTL debut ni Paat, kung saan nakuha ng tubong Pangasinan ang Best Scorer award.
Susunod na paghahandaan nina Santiago-Manabat at Paat ang PVL Open Conference, kung saan naghahangad ang Crossovers na makuha ang ikalawang sunod na titulo.
Magbubukas ang season-opening tournament sa March 16 sa Paco Arena, kung saan kasama ng Chery Tiggo ang Choco Mucho, Black Mamba-Army, Cignal HD at debuting F2 Logistics sa Pool A.
Hindi makakasama ng Crossovers si reigning MVP Santiago, na naglalaro pa rin sa kanyang Japanese club.