astro Danseco

Pinoy judge napili sa Rigondeaux-Astrolabio title fight

Ed Andaya Feb 16, 2022
549 Views

NAPILI ang beteranong Filipino judge na si Rey Danseco bilang isa sa tatlong ring officials sa inaabangang sagupaan nina Guillermo “The Jackal” Rigondeaux ng Cuba at Vincent “Asero” Astrolabio ng Pilipinas para sa World Boxing Council (WB International bantamweight title fight sa Pebrero 26 sa Dubai, United Arab Emirates.

Si Danseco, ang United States-based boxing judge na may mahabang karanasan sa mga international fights, ay hinirang ni WBC president Mauricio Sulaiman para sa naturang laban.

Sa appointment paper na ipinadala ng WBC Executive Office, si Danseco ang isa sa tatlong judges kasama sina Bela Florian ng Hungary at Gary Kitanoski ng England.

Si Miguel de Pablos of Spain ang naatasang maging WBC official, habang si Hector Afu ng Panama ang referee.

Ang Rigondeaux-Astrolabio showdown ay inaasahang isa sa mga pinakamalaking title fights ngayong taon.

Si Rigodeaux, na tinaguriang “The Jackal”, ay dating premyadong kampeon mula Cuba.

Hinawakan niya ang unified WBA (Super), WBO at Ring magazine super bantamweight titles mula 2013 hanggang 2017, at WBA (Regular) bantamweight title mula 2020 hanggang 2021.

Isa sa kanyang tampok na panalo ay laban sa Filipino pride Nonito “The Flash” Donaire nung 2013.

Subalit natalo din ang 41-taong-gulang na si Rigondeaux laban sa isa pang Filipino champion na si John Riel Casimero via a split decision sa kanilang title match sa Carson, California nung Agosto 14, 2021.

Ang kanyang sunod na Filipino opponent na Astrolabio ay hindi din matatawaran.

Si Astrolabio, na kasalukuyang nag-eensayo sa Manny Pacquiao Boxing Gym sa Davao, ay nagtataglay ng impresibong 16-3 record kabilang ang 12 knockouts.

Ang 24-taong-gulang na fighter mula General Santos City ay nagtataglay din ngayon ng four-fight winning streak, na lahat ay natapos sa knockouts.

Sa kanyang huling laban, kinailangan lamang niya ng isang round para pigilin si Jerry Pabila ng Cotabato sa kanilang super bantamweight eight-rounder sa Bula Gym sa General Santos City nung Pebrero 27, 2021.

Bagamat iro pa lamang ang unang inrernational fight ni Astrolabio, naniniwala si MP Boxing Gym coach Nonoy Neri na kaya nitong gulatin ang mas batikan at mas nakatatandang si Rigondeaux.

“Astrolabio is much younger, has a power punch and a big heart,” pahayag ni Neri sa mga naunang panayam.