Nazareno Source: PCO FB page

Pista ng Poong Nazareno special non-working day sa Manila

Chona Yu Jan 4, 2025
39 Views

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na special non-working day sa Enero 9, 2025 sa lungsod ng Maynila.

Ito ay para sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No.766 ngayong araw, Enero 3. 2025.

“Whereas in order to ensure orderly procession of devotees and to facilitate the flow of traffic, the City of Manila requests that Thursday, 09 January 2025 be declared a special (non-working) day in the City of Manila,” saad ng proklamasyon.

Milyong deboto ang inaasahang dadagsa sa kapistahan ng Nazareno.