Poe

POE, SINUPORTAHAN SI PANGULONG MARCOS JR., SA IMPLEMENTASYON NG BATAS LABAN SA WANG WANG AT IBA PANG DEVICE SA KALYE

88 Views

PINAPURIHAN ni Senadora Grace Poe si Pangulong Ferdinand BongBong Marcos jr. kaugnay ng kanyang Administrative Order No. 18 na isinakatuparan simula ngayon, Abril 11, 2024, kaugnay ng paggamit at pang aabuso sa mga signaling devices sa kalye tulad ng WangWang, Sirena, mga blinker na kadalasan gamit ng ambulansya at pulis at iba pang nakasisilaw ng devices na dumarami na naman sa kalye at sinasabing nagiging sanhi ng trapiko sa maraming parte partikular sa mga siyudad lalo pa sa Metro Manila.

“We hail the President’s order on the unathorized use of sirens and blinkers.” ani Poe kung saan ay sinabi niyang tunay na kapuri puri ang ginawang ito ng Pangulo na nagbibigay mensahe na walang sinuman especial kundi pantay pantay ang bawat Pilipino sa paggamit ng kalye.

Ayon sa napabalita, mismo si Pangulong Marcos jr., ang nag anunsyo nito para sa mga kawani at opisyales ng pamahalaan na ihinto ang pagamit ng mga ganitong uri ng signaling devices tulad nga ng mga wang-wang dahil hindi na nga nakatutulong at nakakasama pa dahil sa nagiging ugat rin ito ng pagpapakita ng pang aabuso sa ordinaryong Pilipino.

“We are all equal and no one is special. Pantay-pantay tayo dapat kahit sa kalsada. Ang byahe ng government officials ay kasing importante rin ng byahe ng ordinaryong mamamayan.” giit ni Poe.

Idinagdag pa rin ni Poe na dahil sa tindi ng trapiko na araw araw na dinadanas ng maraming Pilipino, tama lamang na ipakita ng Pangulo ang lengwahe ng pagkakapantay pantay ng bawat isa sa paggamit ng ibat ibang kalye sa Metro Manila.

“Kung may wang-wang, paano mararamdaman ng taga-gobyerno ang sakripisyo ng ating mga kababayan sa araw-araw na trapiko?” ani Poe.

Sa Administrative Order (AO) No. 18 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong March 25, 2024, sinasabing ang kapakanan ng nakararaming publiko ang prioridad ng pamahalaan kung bakit kailangan itong isagawa.

“All government officials and personnel are hereby reminded that use of sirens, dome lights, blinkers, and other similar devices shall only be under exigent or emergency circumstances or situations or to ensure the expedient and safe passage of emergency responders,” nakasaad sa inisyu na AO no. 18.

Ayon sa ulat, si Pangulong Marcos jr., ang mismong nagsabi na hindi niya pahihintulutan ang pang aaubso at hindi awtorisadong paggamit ng mga naturang signaling devices ng mga opisyales ng gobyerno gayundin ng iba pang tauhan para lamang makaisa sa ordinaryong mamamayan sa gitna ng kalye. Nakasaad din na sinuman lalabag ay papanagutin ng ayon sa hinihingi parusa sa naturang batas.

“Government officials must lead the way in shunning abuse and the display of self-entitlement on the road. This simple rule on the wang-wang ban should be enforced fairly and universally on the road.” paliwanag ni Poe.

Gayunman, nakasaad din ang mga sinasabing exempted o bibigyan ng prioridad tulad ng mga kawani at opisyales ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang ahensiya ng National Bureau of Investigation (NBI),pati na rin ang mga kawani ng Philippine National Police (PNP), fire trucks, hospital ambulances at iba pang mga sasakyan na ang obligasyon ay bigyan ng prioridad ang mga emergency na kaso base sa pangangailangan at sitwasyon.

Nakasaad din sa utos ni PBBM na ang Department of Transportation (DOTr), kasama na ang ilang ahensiya ang gobyerno ay bibigyan ng karapatan upang siyang mag bigay ng regulasyon, mag review, mag evaluate at mag isyu ng mga polisiya at guidelines na dapat sundin na sinuman opisyales at kawani ng pamahalaan kasama na ng kanilang kakaharapin na kaparusahan sakaling hindi ito tupdin.