Calendar
Pola nagdiwang ng Sab-Uyan fest
POLA, Oriental Mindoro–Ipinagdiwang ang Sab-Uyan Festival ’26 dito at nagkaisa ang 23 barangay kasama ang mga Indigenous Peoples (IPs) upang ipagmalaki ang kani-kanilang natatanging pagkain.
Dumalo si Mayor Jennifer Mindanao Cruz sa kainan sa kalsada, isang makulay na pagdiriwang ng event.
Nagpasalamat sa suporta ng Sangguniang Bayan ng Pola sa pangunguna ni Vice Mayor Leandro Panganiban Jr. ang mayor.
Lalo pang naging masaya ang selebrasyon sa pakikiisa ng MPBL Mindoro Tamaraws na nagsilbing mga hurado ng mga inihandang pagkain at presentasyon ng bawat barangay.
Hindi lamang ang mga Poleño ang nakisalo sa masaganang hapag kundi maging ang mga bisita mula sa iba’t-ibang bayan na nakiisa sa pagdiriwang.
Nagwagi ang Brgy. Puting Cacao, Bacawan at Buhay na Tubig na silang naghatid ng masarap na mga putahe.

