Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Sunog

Power overload dahil sa paggamit ng jumper nauuwi sa sunog — Sen. Win

17 Views

NAGBABALA si Sen. Sherwin Gatchalian sa malamang na mag-overload na kuryente sa mga matataong lugar na pwedeng mauwi sa sunog lalo na at mataas ang demand sa kuryente dahil na init ng panahon.

Ito ang dahilan ng sunog sa Port Area at Tondo, Manila noong Abril 23.

“Iwasan natin ang paggamit ng jumper dahil kadalasan ito ang nagiging sanhi ng sunog kung nagkakaroon ng electricity overload lalo na kapag panahon ng tag-init,” sabi ni Gatchalian.

Pinangunahan ni Gatchalian ang pamimigay ng tulong sa 2,431 pamilya na nawalan ng tirahan sa magkakahiwalay na sunog sa Maynila.

Mahigit 1,700 na sako ng 10-kilogram na bigas na nagkakahalaga ng P663,000 ang binigay sa 1,579 na apektadong pamilya sa Brgy. 650 sa Port Area.

Sa Brgy. 123 sa Tondo, 1,000 sako ng bigas, na nagkakahalaga ng P390,000, ang binigay ng senador sa 852 pamilya.

Dagdag pa ni Gatchalian, kailangang magpakita ng pananagutan ang mga nakatira sa mataong lugar upang maiwasan ang sunog, lalo na ngayong tag-init.