Calendar
Programa sa solo parents para sa pagsasanay sa makabagong teknolohiya inilusad
PORMAL na inilunsad ng tanggapan ni Vice Mayor Chi Atienza at ng Nexus Technology ang kauna-unahang IT Literacy Training Program para sa unang batch mula sa National Solo Parent Council-Manla Chapter.
Sa tanggapan ng Nexus Centre sa Makati City ginanap ang unang aktibidad mula nang mabuo ang pagtutulungan ng bise alkalde at Nexus Technology noong Agosto 19 kung saan una nilang ini-anunsiyo ay bilang suporta sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) bagama’t nakatuon din ito sa solo parents.
“Alam n’yo po, isa sa mga sektor na malapit talaga sa puso ko ay ang ating mga solo parents, mga magigiting na ina at ama na sabay na ginagampanan ang dalawang pinakamahalagang papel sa pamilya. Hindi lamang dahil danas ko ang kanilang mga paghihirap at sakripisyo, kundi dahil hindi po matatawaran ang kanilang dedikasyon sa pagtataguyod ng kanilang pamilya,” sabi ng bise alkalde.
Nagkaloob ng praktikal na aralin sa pag-uumpisa ng programa upang matulungan ang mga solo parents na pagbutihin ang kanilang teknikal na kaalaman, kabilang dito ang paggamit ng canva at Artificial Intelligence (AI) na kanilang magagamit para sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon at pagkakakitaan.
“Sa panahon ngayon, napakahalaga ng kakayahang gumamit ng teknolohiya. Sa bawat aral na natutuhan nila rito, mas nagiging bukas ang pinto para sa mas maginhawang kinabukasan, hindi lang para sa kanila, kundi para rin sa kanilang mga anak, at sa komunidad,” sabi pa ni Atienza.

