Updates

Publiko pinayuhang tutukan Pepito, lagay ng panahon

10 Views

INAASAHANG lalakas pa at maaaring maging severe tropical storm ang bagyong Pepito, ayon sa Public Information Agency (PIA)-Calabarzon.

Posibleng umabot sa typhoon category si Pepito pagsapit ng umaga ng Nobyembre 15 at may posibilidad na maging super typhoon bago mag-landfall sa Southern Luzon sa Sabado.

Kasalukuyang nasa 1,375 East of Northeastern Mindanao sa labas ng Philippine area of responsibility ang sentro ng bagyo.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakasubaybay sa Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) para sa mga kaugnay na ulat sa lagay ng panahon.