voll Isa sa paborito ang F2 Logistics sa PVL Open Conference. PNVF photo

PVL hahataw na uli sa March 16

Theodore Jurado Feb 27, 2022
525 Views

GAMIT ang pool format, asahan ang matindi at kapana-panabik na mga laban sa Premier Volleyball League sa paglarga ng Open Conference sa March 16 sa Paco Arena.

Sa kanilang unang salang, nalagay ang F2 Logistics sa Group A kasama ng back-to-back title-seeking Chery Tiggo, Choco Mucho, Army at Cignal HD.

Determinadong mabawa ang championship na nawala noong nakaraang taon, mangunguna ang Creamline sa Pool B na kinabibilangan ng PetroGazz, PLDT and BaliPure.

Ang groupings ay base sa serpent-type format mula sa final ranking sa nakalipas na torneo sa Ilocos Norte bubble noong Agosto.

Ang mangungunang apat na koponan sa Pool A matapos ang preliminary round ay sasamahan ang mga Pool B squads sa knockout quarterfinals, kung saan tangan ng Nos. 1 at 2 teams ang twice-to-beat na bentahe.

Ang semifinals at ang finals ay mananatiling nasa best-of-three format.

Mula sa orihinal na three-month schedule upang imarka ang ikalawang pro season ng liga, ang nalalapit na torneo ay magiging apat na linggo na lamang upang magbigay daan sa paghahanda ng national women’s team sa 31st Southeast Asian Games, kung saan lahat ng siyang na clubs ay handa na sumabak.

“We have to shorten the tournament and we made it to two pools to accommodate the national team which will train in Brazil as part of its buildup for the Southeast Asian Games,” sabi ni PVL president Ricky Palou.

“But this will be very interesting as most teams strengthened their respective rosters during the off-season,” aniya.

“Looking at the player movement, it will be a very competitive, exciting conference.”

Pagbibidahan ng Crossovers, na tinalo ang Cool Smashers sa tatlong laro noong nakaraang taon, ng magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat, kasama sina Mylene Paat at dating University of Santo Tomas standout EJ Laure.

Buo pa rin Creamline sa pangunguna nina Alyssa Valdez, Jia Morado, Jema Galanza and Tots Carlos upang mabawi ang trono.

Ngunit nakatuon ang pansin sa Cargo Movers, na handa na dalhin ang kanilang winning tradition sa kauna-unahang pro league ng bansa.

Sa pamumuno nina Majoy Baron, Kianna Dy, Aby Maraño and libero Dawn Macandili, nagpakita ng kahandaan ang F2 Logistics sa pamamagitan ng pagreyna sa inaugural PNVF ChampionsLeague na walang naihulog na set noong nakalipas na taon.