Calendar
QC gov’t ipinagmalaki ni Belmonte
IPINAGMALAKI ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte na muling nakatanggap ang QC government ng “pangalawang unqualified opinión” mula sa Commission on Audit (COA) kaugnay sa mga pinagkagastusan ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng kaniyang termino.
Ito ang inihayag ni Mayor Belmonte sa kaniyang “inaugural speech” kamakailan matapos siyang manumpa kay Chief Justice Alexander Gesmundo para sa kaniyang ikalawang termino na isinagawa sa Erano V. Manalo Convention Center (EVMCC).
Sinabi ni Belmonte na ang natanggap na “pangalawang unqualified opinión” ng QC mula sa COA ay nangangahulugan lamang aniya na naging masinop ang kaniyang administrasyon sa mga naging gastusin o pondo ng Lungsod alinsunod sa itinatakda ng batas.
“Good governance is not something that you achieve and are done with. It is a continuing process that requires will and determination. We will stay alert and stand firm, here and now in our commitment and will exert every effort in the days to come to improve upon our hard won gains,” sabi ni Mayor Belmonte sa kaniyang talumpati.
Sinabi pa ng alkalde na unang nakatanggap ng “unqualified opinión” ang QC government noong 2020 para sa annual audit report ng COA. Kung saan, lumabas sa report ng nasabing ahensiya na maayos at masinop ang naging paggastos ng lokal na pamahalaan.
Nangako naman si Belmonte na lalo pa niyang pag-iibayuhin at pagbubutihin ang paghahatid ng serbisyo sa mga residente ng Lungsod. Lalo na ang pagtugon sa mga pangunahing problema ng mamamayan kabilang na dito ang problema sa COVID-19 Pandemic.