QC uumpisahan na ang NCAP

Mar Rodriguez Jul 4, 2022
217 Views

INIHAYAG ngayong Lunes ng Quezon City Government na inumpisahan na nilaang tinatawag na “No Contact Apprehension Program (NCAP) noong Hulyo 1 sa 15 pangunahing lansangan sa Lungsod matapos ang isinagawa nilang “dry run” noong nakalipas na Oktubre 2021 hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan.

Sinabi ng hepe ng QC Task Force for Transport and Traffic Management na si Dexter Cardenas na ang pangunahing pinangangalagaan nila ay ang kaligtasan ng mga motorista.

Dahil dito, naniniwala si Cardenas na magiging disiplinado umano ang mga motorista at susunod sila sa “traffic regulations” upang maiwasan ang mga aksidente sa mga lansangan sa tulong ng NCAP.

Inihayag din nito na ginamitan ng mga “high-tech o state of the art cameras” ang NCAP upang malinaw na makuhanan ng litrato at ma-record ng video ang conduction stickers and plate number ng mga sasakyan na masasangkot sa “traffic violations”.

Idinagdag pa ni Cardenas na 24/7 na ipatutupad ang NCAP kung kaya’t hindi makakalusot ang sinomang motorista na lalabag sa batas trapiko. Kung saan, nakalagay umano ang mga camera sa mga pangunahing lansangan sa QC.

Sinabi pa ni Cardenas na ipatutupad ang NCAP sa mga lansangan gaya ng Quirino Highway, Susano Road, Zabarte Road at Tandang Sora Avenue, Sangangdaan, E. Rodriguez, Tomas Morato, Gilmore Hemady, Aurora Blvd, Gilmore Broadway, 20th Street, West Avenue, Baler, East Avenue, BIR Road, Kamias, Kalayaan at P. Tuazon (13th at 15th Street).

Nabatid din sa nasabing opisyal na maaaring ma-berepika ng isang motorista ang kaniyang Notice of Violation (NOV) sa pamamagitan ng nocontact.quezoncity.gov.ph. kung saan, sa loob ng 14 na araw ay matatanggap ito ng mga motorista mula sa QC. Sa pamamagitan ng mga “private couriers” matatangap ng mga hindi residente ng QC ang kanilang NOV.

“Motorists who have received a NOV may pay the corresponding fine within 30 days from receipt via online or through our website. They can pay in select banks or cash payment at the Ground Floor of our office at the Department of Public Order and Safety,” sabi pa ni Cardenas.