QCPD Source: File photo

QCPD nakahuli ng 93 wanted suspek, pinakamarami sa NCR police district

8 Views

ANG Quezon City Police District (QCPD) ang may pinakamaraming naarestong kriminal kumpara sa ibang distrito mula Setyembre 1 hanggang 21, ayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Sa ulat ng NCRPO regional headquarters, nakaaresto ang QCPD ng 93 wanted individuals, pinakamataas ito sa limang distrito ng pulisya sa National Capital Region (NCR).

Binibigyang-diin nito ang patuloy na pagsisikap ng QCPD upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng komunidad. “Patuloy ang aming pagsisikap upang masugpo ang kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan sa lungsod.

Ang pinaigting na kampanya laban sa wanted persons isang pamantayang aspeto ng crime prevention kaya’t hinihikayat ko ang ating mga kababayan na magbigay ng impormasyon kung mayroon nalalaman na wanted sa kanilang lugar,” pahayag ni P/BGen. Redrico A. Maranan, hepe ng QCPD.