Just In

Calendar

August 2026
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Rabiya

Rabiya babu muna sa showbiz, focused sa pag-aaral ng Medicine

Vinia Vivar Aug 15, 2026
23 Views

Buhay- estudyante na ngayon ang beauty queen/actress na si Rabiya Mateo dahil kasalukuyan na siyang pumapasok sa University of Santo Tomas (UST) para mag-aral ng medisina.

Sa Facebook post ng student publication na The Varsitarian ay ibinahagi nito ang welcome rites na isinagawa para kay Rabiya nitong nakaraang Thursday, August 13.

Makikitang nakasuot na ang aktres ng uniporme ng Faculty of Medicine and Surgery ng UST.

“Miss Universe 2020 semifinalist Rabiya Mateo dons her Faculty of Medicine and Surgery uniform ahead of the Thomasian Welcome Rites on Thursday, Aug. 13,” saad sa caption.

Matatandaang nagtapos si Rabiya bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Physical Therapy sa Iloilo Doctors’ College.

Noon pa ay pangarap na niyang maging doktor kaya naman nang makasilip ng pagkakataon ay nag-enroll siya sa UST upang tuparin ang kanyang pangarap.

Matapos makapag-enrol sa nasabing universidad ay inihayag ng beauty queen na lie-low muna siya sa showbiz upang makapag-focus sa pag-aaral.