Pasahero nakuha muli naiwang smartwatch sa NAIA-T2
Sep 11, 2026
Calendar
Showbiz
Osaka food trip nina BINI Aiah at Kyle, trending
Vinia Vivar
Aug 15, 2026
118
Views
Kasabay ng pagte-trending ng BINI sa kanilang performance sa Summer Sonic Music Festival 2026 sa Osaka, Japan ngayong Biyernes, August 14, nag-viral din ang video nina Kyle Echarri at BINI Aiah na magkasama sa nasabing bansa.
Sa naturang video ay makikitang nakahalubilo sina Kyle at BINI Aiah sa maraming tao sa kalsada ng Dontonbori, Osaka, Japan at kumakain ng street food.
Makikita ring bumili si Kyle ng food at dinala niya ito kay Aiah.
May isang netizen din na masuwerteng nakapagpa-picture sa dalawa.
Dahil dito ay muling nabuhay ang tsikang nagkakamabutihan sina Kyle at Aiah, na nagsimula last June nang mamataan silang magkasama sa isang beach trip sa Cebu.
Pero kaagad nilinaw ni Aiah na friends lang sila ni Kyle.
“Kyle and I are friends and kapwa Cebuanos so no malice po,” pagtanggi ng miyembro ng BINI sa rumor.
Pero dahil nga muling namataan ngayon ang dalawa sa Japan, hinihinalang super-close na talaga sila dahil sumunod pa si Kyle kay Aiah sa ibang bansa para suportahan ang dalaga.
Miss Earth Indonesia 2025 pumanaw sa edad 25
Aug 16, 2026
Sunshine tinanggihan dream project dahil sa sakit
Aug 15, 2026
Mika nagbura ng socmed apps para sa peace of mind
Aug 15, 2026

