4PH program net satisfaction rating tumaas
Aug 15, 2026
Transmission rate magmamahal nitong Agosto
Aug 15, 2026
Calendar
Showbiz
Shaira at EA palitan ng sweet anniversary greeting
Vinia Vivar
Aug 15, 2026
22
Views
Ang sweet ng anniversary greetings sa isa’t isa ng mag-asawang EA Guzman at Shaira Diaz sa pagdiriwang ng kanilang first wedding anniversary kahapon, August 14.
Sa Instagram post ng Kapuso actress, ipinahayag niya ang pasasalamat sa pagkakaroon ng napakapabait na asawa at wala na raw siyang mahihiling pa.
“One year married to this amazing man, and I still can’t believe how fast time has flown. I feel so blessed that God gave me a partner who is so supportive, caring, loving, patient, and understanding. Bonus dahil pogi pa! Hay, wala na talaga akong mahihiling pa,” simula ni Shaira.
“Sabi nila, ang swerte mo raw sakin, pero ang totoo, ako ang swerte sayo, Baba. You always bring out the best in me. I’m at my happiest when I’m with you. You’re my safe place, my best friend, and my home. Thank you for loving me unconditionally,” patuloy pa ng aktres.
Sinabi rin ni Shaira na happy wife siya at looking forward pa sa mga susunod na taong pagsasamahan nila ni EA.
“Here’s to more years of choosing each other, growing together, and making beautiful memories side by side. Kahit isang taon na, araw araw pa rin akong excited matulog at gumising sa tabi mo. Ang saya saya ko dahil ikaw ang kasama ko sa buhay I love doing life with you Mahal na mahal na mahal kita! @ea_guzman Happy 1st anniversary to us,” mensahe ng aktres sa hubby.
Madamdamin din ang naging mensahe ni EA sa misis at walang dudang masayang-masaya rin siya sa piling ni Shaira.
“Mrs. Guzman, Happy 1st wedding anniversary to us. One year as husband and wife, and I’m still so grateful that I get to do life with you. Sa isang taon na lumipas at sa marami pang taon na darating, ikaw at ikaw pa rin.
“Ikaw ang kasamang bubuo ng mga pangarap. Ikaw ang yayakapin tuwing masaya o malungkot ang paligid ko. Ikaw ang uunahin ko sa lahat.
“Salamat sa pagmamahal na hindi nauubos at sa pag-aalaga na walang hinihinging kapalit. Ikaw ang TAHANAN, PAHINGA, at HABAMBUHAY ko,” ang nakakakilig na anniversary greeting ni EA sa kanyang wifey.
Osaka food trip nina BINI Aiah at Kyle, trending
Aug 15, 2026
Carlo at Charlie nagpapatayo ng dream house
Jul 24, 2026
