Calendar

Region 3 tahimik sa simula ng kampanya para sa local polls
CAMP OLIVAS, City of San Fernando–Nagsimula ang campaign period para sa mga lokal na kandidato sa Central Luzon noong Biyernes ng walang anumang hindi kanais-nais na insidente, ayon sa hepe ng pulis ng Police Region Office (PRO)-3.
“Kami umaasa na ang mapayapang kapaligiran na ito magpapatuloy sa buong panahon ng kampanya hanggang sa huling araw sa Mayo 10,” pahayag ni PRO-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo.
Tiniyak din ni Fajardo na matatag ang buong kapulisan sa pagpapatupad ng security measures para sa midterm elections sa Mayo sa tulong ng Comelec, checkpoints, OPLAN Sita at simulation exercises.
“Ang PNP at mga katuwang na ahensya nakatuon sa pagbibigay ng pinakamataas na antas ng seguridad upang magarantiya ang isang ligtas, maayos, tapat at mapayapang halalan sa Mayo 12,” dagdag ni Fajardo.
Patuloy na sinusubaybayan ng PNP ang lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa halalan, pinatitibay ang dedikasyon nito sa pagtataguyod ng demokrasya at pagtiyak sa kaligtasan ng mga kandidato at ng publiko.