Calendar
Rep. Frasco nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo sa Liloan
MULING ipinamalas ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang kaniyang malasakit at pagmamahal hindi lamang para sa mga estudyante at residente ng kaniyang Distrito. Bagkos para din sa mga biktima at nasalanta ng bagyo at pagbaha sa bayan ng Liloan, Cebu.
Namahagi ng cash assistance si Frasco sa Panphil B. Frasco Memorial Sports Complex sa Munisipalidad ng Liloan para sa 992 biktima ng pagbaha kabilang na ang iba pang beneficiaries na nagkakahalaga ng kabuuang P4,039,000 para matulungan silang makabangon at makapag-pundar ng negosyo.
Sinabi ni Frasco na halos madurog ang kaniyang puso matapos nitong mabalitaan ang sinapit ng 992 residente na mahigpit na sinalanta ng nakalipas na bagyo. Kung saan, sinira nagdaang sakuna ang kabuhayan at ari-arian ng mga apektadong residente kasama na dito ang mga nawalan ng pananim dahil sa bagyo.
Laking pasasalamat ng mga residente sa kabutihang loob na ipinakita ng House Deputy Speaker para sa kanila.
Kasabay nito, namahagi din si Frasco ang Team Frasco ng scholarship bilang bahagi ng kanilang “scholarship program” para naman sa mga mag-aaral ng Borbon at Sogod para sa taong 2023-2024 school year.
Nabatid kay Frasco na 1,200 student scholars ang nabiyayaan ng scholarship program mula sa bayan ng Borbon at Sogod. Kung saan, ang bawat mag-aaral ay nakatanggap ng P4,000 scholarship grant o sa kabuuang P4,800.
“Tuloy-tuloy ang ating paglilingkod sa ating mga kababayan. Hindi lamang para sa mga naging biktima at nasalanta ng bagyo. Kundi, pati narin sa ating mga mahihirap na estudyante sa pamamagitan ng ipinamahagi natin scholarship program para sa kanila,” ayon kay Frasco.