Frasco

House Deputy Speaker Duke Frasco namahagi ng scholarship sa libo-libong estudyante

Mar Rodriguez Oct 25, 2023
139 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4TULOY-TULOY ang pagpapakita ng malasakit at pagmamahal ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco para sa mga estudyante matapos siyang mamahagi ng “scholarship” para sa libo-libong mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan para sa school year 2023-2024.

Sinabi ni Frasco na maraming mag-aaral sa kanilang lalawigan ang hindi kayang pag-aralin ng kanilang magulang kaya sinisikap nilang maglunsad ng scholarship program para matulungan ang mga mahihirap na estudyante na makapag-patuloy ng kanilang pag-aaral ngayong taon.

Ang unang pinuntahan nila Frasco ay ang bayan ng Compostelana sinundan ng Danao City kung saan 2,200 mag-aaral ang nabiyayaan ng scholarship program na nagkakahalaga ng kabuuang P8,800.

Bukod dito, namahagi din ang House Deputy Speaker ng limang brand new laptops sa mga estudyante na nagkakahaga ng P28,000 bawat isa upang maggamit ng mga mag-aaral sa kanilang school activities at research.

Nagpaabot naman ng malaking pasasalamat ang magulang ng mga estudyante para kay Frasco dahil sa walang suporta na ipinapakita nito para sa mga Kabataang mag-aaral partikular na ang mga indigent na estudyante.