Calendar
Rep. Frasco, nagpakita ng pagdamay sa mga naging biktima ng bagyong Kristine
IPINARAMDAM ni House Deputy Speaker Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang kaniyang malasakit at pagmamahal hindi lamang para sa kaniyang mga kapwa “Cebuano” bagkos sa lahat ng mamamayang Pilipino partikukar na para sa mga kababayan natin na naging biktima ng kalamidad at sakuna.
Ito ay matapos na mamahagi o mag-donate ng 2,000 kaban ng bigas ang House Deputy Speaker na naglalaman ng tig-limang kilo para maipamigay sa napakaraming pamilya na sinalanta ng bagyong Kristine sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sabi ni Frasco na ang pagtulong sa mga naging biktima ng matinding kalamidad gaya ng naturang bagyo ang pinaka-priority nito sapagkat kinakailangang tugunan sa lalong madaling panahon ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Paliwanag pa ni Frasco na hindi na dapat pang magpa-tumpik tumpik dahil kailangang maiparating agad sa mga naging biktima ng bagyong Kristine ang agarang tulong tulad ng bigas, pagkain, tubig na maiinom, mga damit at iba pang mahalagang pangangailangan.
Bukod kay Frasco, nakiisa din ang kapwa mambabatas nito na si Cong. Migz Villafuerte sa pamamahagi ng tulong sa pamamagitan ng pamimigay ng mga pagkaing delata para sa libo-libong pamilya sa Munisipalidad ng Bula, Camarines Sur na matinding nasalanta ng bagyo.