Calendar
Rep. Frasco naka-focus sa priority projects sa Cebu
๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐ธ๐ผ ๐ป๐ถ ๐๐ถ๐ป๐ด๐ฑ๐ผ๐บ ๐ผ๐ณ ๐๐ฒ๐๐๐ ๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐ (๐๐ข๐๐) ๐ฃ๐ฎ๐๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฝ๐ผ๐น๐น๐ผ ๐. ๐ค๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐น๐ผ๐, h๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด ๐๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฏ๐ ๐ฑ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฉ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ผ “๐๐๐ธ๐ฒ” ๐. ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฐ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐๐ผ๐ธ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐น๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด “๐ฝ๐ฟ๐ถ๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐๐” ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป.
Para sa House Deputy Speaker, ayaw nitong maantala ang paghahatid nito ng serbisyo para sa kanyang lalawigan kaya prayoridad pa rin ng mambabatas ang mga priority projects sa kaniyang distrito.
Dahil dito, pinangunahan ni Frasco ang ginanap na turn-over ceremony sa kanyang bayan sa Liloan, Cebu para sa bagong gawang Barangay Yati PNP Substation na nagkakahalaga ng P10 milyon kasama na dito ang bagong covered court na umabot naman ng P5 milyon.
Ayon kay Frasco, malaki ang maitutulong ng bagong Philippine National Police (PNP) substation sa kanilang bayan para sa pagpapanatili ng katahimikan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng police visibility sa mga barangay na sakop ng Liloan.
Ang bagong covered court naman aniya ay makakatulong para maggamit ng libo-libong residente bilang evacuation center sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Namahagi din si Frasco ng P600,000 para sa mga lumahok sa PASIGARBO sa Sugbo 2024 kung saan, ipinamalas ng mga nagsilahok ang kanilang talento at husay sa sa pagsasayaw.