Frasco

Rep. Frasco tuloy ang bigay todo sa paghahatid serbisyo sa mga kababayan

Mar Rodriguez Jul 2, 2024
70 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗢𝗗𝗢 𝘀𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 “𝘁𝘂𝗿𝗻𝗼𝘃𝗲𝗿” 𝗰𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗻 𝗙𝗿𝗮𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼, 𝗖𝗮𝗺𝗼𝘁𝗲𝘀.

Personal na tinungo ng House Deputy Speaker ang Munisipalidad ng San Francisco sa Isla ng Camotes para sa ginanap na turnover ceremony ng tatlong bagong proyekto nito na nagkakahalaga ng P45 million.

Ayon kay Frasco, tuloy-tuloy ang kaniyang paglilingkod para sa mga pangangailangan ng kaniyang mga kababayan. Kabilang na dito ang ipinatayo nitong tatlong palapag ng Classroom Building ng Cebu Technological University sa San Francisco Campus na nagkakahalaga ng P30 million.

Sabi ni Frasco, sa pamamagitan ng bagong tayong 3-storey Classroom Building,Malaki ang magagawa nito para mabawasan o maibsan ang pagsisiksikan ng napakaraming estudyante o magkaroon ng decongestion dahil sa dami ng mga mag-aaral na nag-enroll.

Bukod dito, ipinabatid din ni Frasco na tinungo din niya ang Sitio Magcarungaw sa Barangay Western Poblacion para sa gaganaping turnover ceremony ng ipinagawa nitong bagong covered court building na nagkakahalaga ng P5 million.

Ang sunod naman na tinungo ng kongresista ay ang Campo Integrated School para sa turnover din ng isang palapag na classroom building na may tatlong silid na umabot sa P10 million na malaki din ang maitutulong para mabawasan ang pagsisiksikan ng napakaraming mag-aaral.

Paliwanag ni Frasco, todo-todo ang kaniyang paghahatid serbisyo sapagkat napakarami pang kailangan maisa-ayos sa kaniyang distrito katulad ng kakulangan ng mga classroom buildings, covered courts at iba pang mga kahalintulad na gusali.