Calendar
REP. Frasco tutok sa mga proyekto
𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗻𝗱𝗮-𝘂𝗴𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝗼𝗸 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗿𝗮𝗯𝗮𝗵𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝗻𝗴 “𝗯𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝘀𝗲𝗮𝘀𝗼𝗻” s𝘂𝗯𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗮𝘆𝗼𝗿𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗽𝗿𝗮𝘀𝘁𝗿𝗮𝗸𝘁𝘂𝗿𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻.
Muling pinangunahan ng House Deputy Speaker ang pangangasiwa sa kaniyang napakaraming infrastructure project sa kaniyang distrito. Kabilang na dito ang pag-turnover ng kongresista sa road concreting project sa Danao City na nagkakahalaga ng tinatayang P25 million.
Bukod sa pagpapasemento ng mga kalsada sa Danao City, tinutukan din ni Frasco ang pagtulong sa mga mahihirap na kababayan sa pamamagitan ng pamamahagi nito ng “financial assistance” kung saan ang bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng P1,196,000.
Ayon kay Frasco, nasa mahigit 375 benepisyaryo ang nabahaginan nila ng tulong. Nagtungo ang mambabatas sa Barangay Taboc sa Sitio Tac-An para sa ginanap na pag-turnover ng isa pang road concreting project na may habang 1,396 meters na sinamahan pa ng nasa 30 solar street lights.
Kumpiyansa si Frasco na napakalaking benepisyo para sa mga motorista ang nasabing road concreting project sapagkat hindi na nila kailangan pang magtiis sa sira-sira o lubak-lubak na kalsada habang sila’y bumibiyahe patungo sa kanilang trabaho o maghatid sa paaralan.