Tulfo

Rep. Tulfo, naniniwalang may sabwatan sa loob ng NFA

Mar Rodriguez Mar 8, 2024
126 Views

NANINIWALA si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party List Cong. Erwin T. Tulfo na may nangyayaring sabwatan sa loob ng National Food Authority (NFA) para maibenta sa mga private rice trader ng hindi dumadaan sa public bidding ang tinatayang nasa 75,000 rice buffer bags.

Ito ang hinala ni Tulfo na posibleng nagkakaroon ng sabwatan sa loob ng NFA para maibenta ang 75,000 rice buffer bags matapos aminin ni NFA Administrator Roderico Biocon na walang naganap na public bidding nang ibenta nila ang libo-libong bigas sa dalawang private rice traders.

Ipinaliwanag ni Bioco sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food na malapit ng mabulok ang mga bigas kaya nila ito ibinenta. Subalit ligtas naman para kainin ang 75,000 bags ng rice buffers na tinanggihan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Hindi naman kinagat o pinaniwalaan ni Tulfo ang sinabi ni Biocon.

Idinagdag ni Tulfo na kailangang mas palalimin pa ng Kamara de Reoresentantes ang imbestigasyon nito kaugnay sa kontrobersiyal na “bigas scam” para makilanlan ang iba pang opisyal at empleyado ng NFA na maaaring sangkot sa nangyayaring katiwalian sa loob ng ahensiya.

Nauna nang idiniin ng kongresista na hindi siya mangingiming ma