Martin1

Resolusyon ng pakikiramay, pagsuporta sa mga residente ng Morocco pinagtibay ng Kamara

132 Views

PINAGTIBAY ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang resolusyon na nagpapahayag ng pakikidalamhati at pagsuporta nito sa mga residente at gobyerno ng Morocco na niyanig ng malakas na lindol kamakailan.

Ang House Resolution (HR) No. 1277 na pinatibay sa sesyon ngayong araw ay akda nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander Marcos, at Tingog Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre.

Batay sa ulat ng United States Geological Survey, sinabi ng mga may-akda sa resolusyon na niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang Morocco, ang pinakamapanganib na lindol mula noong 1960 at ang pinakamalakas sa rehiyon mula noong 1900.

Ang epicenter ng lindol ay naitala 72 kilometro sa timog kanluran ng siyudad ng Marrakech sa High Atlas mountain range.

Ayon sa resolusyon, batay sa ulat ng World Health Organization (WHO mahigit 300,000 ang naapektuhan ng lindol at nasa 2,100 ang nasawi, 2,421 ang nasugatan kung saan 1,400 ang nasa kritikal na kondisyon.

“Aside from the loss of lives, the earthquake left the region in a terrible state of devastation, destroying historic sites, damaging towns and homes nearest to the Atlas Mountains, blocking roads with debris, rendering remote villages inaccessible and isolated, and forcing residents to spend nights on the streets,” sabi ng resolusyon.

Ayon sa mga may-akda agad na umaksyon ang gobyerno ng Morocco upang mahanap at mailigtas ang mga apektadong residente nito at nagdeklara ng tatlong araw na national mourning.

“The international community recognizes that such a grave crisis demands a wide-reaching response and has shown compassion and offered assistance to the people and government of Morocco in the form of search and rescue teams, relief supplies, humanitarian aid, and medical flights,” sabi ng mga may-akda.

“In solidarity with the international community, the House of Representatives of the Philippines conveys its sorrow and concern to those affected by the recent earthquake in Morocco and hopes for their recovery as they emerge from the ruins of this terrible tragedy,” sabi pa sa panukala.

Bibigyan ng Kamara ng kopya ng resolusyon ang embahada ng Morocco sa Maynila.