boxig Astrolabio (left) with Coach Neri

Rigondeaux, may tulog kay Astrolabio

Ed Andaya Feb 18, 2022
521 Views

KUNG papalarin, nais ni Filipino champion Vincent “Asero” Astrolabio na kaagad patulugin ang two-time Olympian Guillermo “The Jackal” Rigondeaux ng Cuba sa kanilang pinakaaabangang

World Boxing Council (WBC) International Bantamweight title fight sa Feb. 26 sa Emirates Golf Club sa Dubai.

Para magawa ito, pipilitin ni Astrolabio na idikta ang tempo ng laban at makipagsabayan ng suntok sa mas nakatatanda at mas experienced na Cuban champion simula opening bell upang patigilin ang sagupaan sa ika lima or ika anim na round

“Kung may chance na ma-knock out sya agad, I’ll go for it. Hindi maaring bigyan ng pagkakataon si Rigondeaux Magaling din siya,” pahayag ni Astrolabio sa ika-pitong “Sports on Air Weekly” program via Zoom nitong Huwebes.

Dagdag pa ni Astrolabio: “Kung kakayanin, siguro mga fifth or sixth round tapusin ko ang laban.”

“Gaya nga ng sinasabi nila sa akin, kailangan pasukin ko siya at labanan ng sabayan. Kailangan ako ang mag-dikta ng laban. Sa gaya ni Rigondeaux na madami ding fighting styles, hindi pwedeng boxing-boxing lang,” dagdag pa ng 24-year-old fighter mula General Santos City, na may hawak na 16-3 win-loss, kabilang ang 12 knockouts.

“Sa nakita kong huling laban niya, hindi na ganun kabilis si Rigondeaux gaya ng dati. May kahinaan na din sa bilis ng suntok.”

Sang-ayon din ang veteran coach na si Nonoy Neri sa mga tinuran ni Astrolabio

“Kapag hindi siya (Rigondeaux) tumakbo at nakipagsabayan siya, goodbye siya. Pag tinamaan siya ni Astrolabio, hindi magtagal yan. Siguradong titiklop siya.”

“Kaya ang bilin ko nga kay Vincent, huwag mag dalawang isip sa itaas ng ring. Ang game plan, huwag bigyan ng pagkakataon na makasuntok si Rigo pero huwag din masyado lalayo. May pressure lagi. Pag hindi namin pinasok, malayo kami manalo.”

Sinabi pa ni Neri,na matagal din nakasama sa corner ni boxing legend Manny Pacquiao, na ang age difference ng dalawa ay malaking factor sa laban.

“Sa totoo lang, magaling at mautak na boxer yan si Rigo. I respect him a lot. Pero sa edad niya ngayon, hindi na siya kagaya ng dati. Iba yung Rigondeaux na nakita kong tinalo ni John Riel (Casimero) nung 202q. Iba yung Rigondeaux dati na mga 10 years ago,” paliwanag pa ni Neri.

“At 24, si Vincent, bata pa. Matagal ko na siyang alaga. Nakita ko na talagang determinado siyang manalo. Yung willingness to win laging nandun. This is a big opportunity for him to give the boxing world a good fight. And I know he can beat Rigondeaux.”

Swerte din lamang umano ang Cuban champion nun talunin niya ang isa pang Filipino great, Nonito “The Flash” Donaire.

“Sa Rigondeaux-Donaire fight, nakita ko parang medyo mataas yun kumpiyansa ni Donaire. Nandun na yung pangalan. Masyadong naging kumpiyansa kaya natalo,” susog ni Neri.

Nakatakdang lumipad pa Dubai sina Astrolabio and Neri ngayong zbiyerned.
“Pagdating sa Dubai, light training na lang kami. Konting pa-kundisyon. Wala naman kaming naging problema sa timbang. Pagdating ng laban, handa na kami.”