eagles at archers Magpapambuno ulit sa gitna sina Justine Baltazar at Ange Kouame sa ikalawang Ateneo-La Salle duel ngayon sa UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena. UAAP photo

Rivalry ng Eagles at Archers, sisiklab muli

Theodore Jurado Apr 11, 2022
337 Views

MULING bubuhayin ng Ateneo at La Salle ang kanilang karibalan – na sa pagkakataon ito ay may mga fans – ngayon upang buksan ang second round action ng UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Sa kanilang unang paghaharap na walang spectators, namayani ang four-peat seeking Blue Eagles sa Green Archers, 74-57, noong April 2, kung saan kinailangan nilanh malusutan ang pagbabanta sa first half scare mula sa kanilang long-time nemesis.

Hindi lamang hangad ng Ateneo na mapalawig ang kanilang winning streak kontra sa La Salle na nagmula pa sa 2017 Finals sa alas-7 ng gabi na laro kundi ang mapahaba ang kaniang remarkable sa 34 games. Hindi pa natatalo ang Katipunan-based squad magmula pa noong October 10, 2018.

Nasa pinakamahabang winning streak magmula pa noong 2004, pakay na University of the Philippines na mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto laban sa vastly-improved National University sa alas-10 na umaga na matinee.

Sa iba pang laro, sasagupain ng Far Eastern University ang hard-luck Adamson sa alas-12:30 ng tanghali, habang magkukrus ng landas ang University of Santo Tomas at University of the East sa alas-4:30 ng hapon.

Inanunsiyo ng UAAP noong Monday na simula ngayon, may hiwalay na tickets para sa alas-10 na umaga and alas-12:30 ng tanghali na laro, at para sa alas-4:30 ng hapon at alas-7 ng gabi na laro.

Matapos ang four-game bill ngayon, babalik ang aksyon sa susunod na Martes makaraan ang Holy Week break.

Gaya ng inaasahan, hindi matibag ang Eagles sa first round, subalit solido ang Fighting Maroons, kung saan ang kanilang 6-1 marka ay kanilang pinakamagandang simula magmula pa noong 1986 championship run.

Dinala ni Zavier Lucero, ang top scorer ng liga sa first round, ang UP matapos ang season-opening loss mula sa kamay ng Ateneo.

Subalit dapat paghandaan ng Maroons ang Bulldogs, na ang 4-3 kartada ay siyang pinakamagandang first round record noong 2016. Sisikapin ng UP na maduplika ang 80-70 panalo laban sa NU noong March 31.

Ang huling pagkakataon na nakagawa ang Maroons ng six-game winning run ay noong 2004 kung saan bumagon sila mula sa 0-6 simula, subalit kinapos sa kanilang kampanya na umabot sa Final Four.