Robes

Robes inihayag na 20 mayor sa Bulacan nagsusulong para SJDM maing HUC

Mar Rodriguez Oct 25, 2023
213 Views

INIHAYAG ni San Jose Del Monte Lone Dist. Cong. Florida “Rida” P. Robes na puspusan ang pagsusulong ng dalawang-pung (20) Mayor mula sa apat na siyudad ng Bulacan para sa conversion ng SJDM bilang isang “highly urbanized City” (HUC).

Dahil dito, sinabi ni Robes na naglabas o nag-isyu na ng “Manifesto ng Pagsuporta sa Lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan” ang league of Municipalities of the Philippines” sa nasabing lalawigan bilang suporta sa 20 Mayor na nagsusulong na maging isang HUC ang SJDM.

“Kaming mga halal na Punong Bayan ng iba’t-ibang Munisipalidad at siyudad ng Bulacan ay nagkakaisa at buong tibay na sumusuporta sa Lungsod ng San Jose Del Monte bilang isang highly urbanized City (HUC) sa lalawigan ng Bulacan,” nakasaad sa Manifesto ng League of Municipalities of the Philippines.

Ang Manifesto ay nilagdaan naman ng lahat ng mula sa dalawang-put-tatlong Siyudad sa Bulacan sa pangunguna nina Mayors Christina D. Natividad ng Malolos, Glorime Faustino ng Calumpit, Ma. Rosario Ochoa-Montejo ng Pulilan, Flordeliza Cruz-Manlapaz ng Hagonoy, ang dating PBA player na si Vergel Meneses ng Bulacan at Maryanne P. Marcos ng Paombong at iba pa.

“The City Mayors cited the Local Government Code of 1991 or Republic Act 7160 Section 452 which provides that the cities with a minimum population of 200,000 inhabitants as certified by the Philippine Statistics Authority and with the latest annual income of at least 50 million based on 1992 constant prices as certified by the Treasurer shall be classified as HUC,” paliwanag naman ni Robes.